Shares compelling reasons why youth engagement in political and socio-civic affairs is fashionable and trendy. Seeks to present and spark new thought provokiing ideas on the  importance of ideology in today's modern world.

Shares compelling reasons why youth engagement in political and socio-civic affairs is fashionable and trendy. Seeks to present and spark new thought provokiing ideas on the importance of ideology in today's modern world.

Ang sabi sa isang pag-aaral ni Dr. Lonnie Athens, isang criminologist na nagkaroon na ng malawak na pag-aaral sa sitwasyon ng mga bayolenteng mga kriminal, nagiging kriminal ang isnag tao dahil sa isang punto o bahagi ng buhay nito’y siya’y naabuso o napagsamantalahan. Sa kalaunan, nawawala na nang “empathy” ang mga ito o nang kakayahang ilagay ang sarili sa lugar o posisyon ng ibang tao.

Ang pagtanaw ng “utang na loob“ sa panahon ngayon ay hindi na likas na katangian ng Pilipino, kundi isang pananagutang dapat bayaran ng mga taong ginawan ng kabutihan. Ang iba namang mas nakakaangat sa buhay, binabaon ang mga mahihirap sa utang na loob hanggang sa wala na itong ibang magagawa kundi bayaran ang kabutihan ng mga “mabubuti kuno ang loob“ sa ibang paraan.

Kung kaya, para lang mabuhay, kung anu-ano nang mga bagay at raket ang pinapasok ng ating ibang kababayan. Nariyan ang pagtaya sa lotto, pamamalimos sa mga kalye at ang malala dito- ang pagkadawit nila sa krimen tulad ng pagbebenta ng droga o di naman kaya’y panghoholdap.

Panglima ito sa siyam na serye ng mga artikulong mumulat sa mga Kabataan pagdating sa ginagawa ng kanilang mga nakakatanda sa lipunan. Hindi ito pangkaraniwang artikulo, ngunit isa itong paraan para makipagusap sa mga kabataan sa natural na pamamaraan. Nawa’y kapulutan ng aral ang artikulo at maging simula ng pagnanais ng mga kabataan na maging iba sa kanilang kinagisnan.

Ang tanong: “Ano ba talagang pakialam natin sa isang kahit papaano’y politically mature na bansa tulad ng Estados Unidos? Anong karapatan nating mamuna sa isang bansang tinatalakay ang mga isyu at hindi mga personalidad, di tulad sa ating bansa?”

Panahon na naman ng eleksyon, at panahon na naman ng mga naglipanang partido at pati na rin ng mga party-list na naghahangad ng representasyon sa mababang kapulungan. Diumano, sila ay mga bahagi ng “marginalized sector” sa ating lipunan.

Sosmiyo! Oktubre pa lang pero napakarami na namang mga mukha ang naglilipana sa mga poster, streamer at kahit sa telebisyon na hindi naman mga mukhang endorser ng anumang produkto o artista. Sino kaya sila? Sino pa ba kundi ang ating mga butihing pulitiko na walang humpay na naman ang pambabalandra ng kanilang mga mukha sa kung saan-saan.

Isa ito sa siyam na serye ng mga artikulong mumulat sa mga Kabataan pagdating sa ginagawa ng kanilang mga nakakatanda sa lipunan. Hindi ito pangkaraniwang artikulo, ngunit isa itong paraan para makipagusap sa mga kabataan sa natural na pamamaraan. Nawa'y kapulutan ng aral ang artikulo at maging simula ng pagnanais ng mga kabataan na maging iba sa kanilang kinagisnan.